Kahit halos isang taon na ang lumipas ay naririnig pa rin ng mga Kuyanatics ang dagundong ng hiyawan na yumanig sa buong Araneta Coliseum nang hiranging 3rd Big Placer ng PBB Season 2 si Wendy Valdez, kaya't 35.2% ng mga bumuto sa ating poll ay nagsabing si Wendy pa rin maituturing na pinaka-markado sa bahay ni Kuya. Sa una ay pumatok ang "commercial babe" dahil sa kanyang angking ganda at kaseksihan, pero pagtagal ay lumabas na rin ang pagiging matapang at palaban ni Wendy, mula nang umalma siya nang tawagin ni Zeke na "you're such a tool!" hanggang sa giyera niya kina Gee-Ann at Beatriz na nag-ugat sa harapang nominasyon. Marami man ang nagalit, marami ding nagkagusto sa pagiging totoo ni Wendy sa kanyang nararamdaman nang walang takot kung iboto man siya ng tao o hindi.
Sumunod kay Wendy ang dalawang gwapo na sina Gerald Anderson at Baron Geisler na parehong umani ng 9.1% votes, pero sa magkasalungat na dahilan. Ang cute binatilyo from GenSan na si Gerald ang naituring na "good boy" ng unang Teen Edition ,samantalang ang young actor na si Baron ang naging "bad boy" ng Celebrity Edition 2 dahil sa makailang ulit na pakikipag-away at pagkalasing na nag-resulta sa kanyang force eviction. Samantala, nasa ikatlong pwesto with 6.1% votes naman ang Big Winner ng Season 2 na si Beatriz Saw. Sino ba naman ang makakalimot sa away nila ni Maricris kung saan nabanggit ni Bea ang mga quotable quotes na "ang respect hindi yan ini-impose, ini-earn yan!" at "act your age!" Naka-tie ni Beatriz ang host na si Mariel Rodriguez na biglaang ikinulong ni Big Brother bilang houseguest noong Celebrity Edition 2. Nagsama-sama naman sa pang-apat na pwesto with 5.7% votes each ang "father" ng lahat ng taklesa na si Uma Khouny ng Season 1, ang first Teen Big Winner na si Kim Chui, ang "parent" ng lahat ng PBB loveteams na sina Bianca Gonzales at Zanjoe Marudo, at ang nag "out" on national television na si Rustom Padilla, both from the first Celebrity Edition. Iba talaga ang impact ng mga housemates ni Big Brother! Sino naman kaya sa mga kasalukuyang housemates ang susunod na mag-iiwan ng marka sa loob ng bahay ni Kuya? Manood ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus gabi gabi para sa mga pangyayari sa pinaka-cool na bahay sa bansa. Patuloy ring makisali sa mga masayang kwentuhan sa ating Kapamilya Tambayan. |